Reflection for Today
Loading Today's Date...
Reflection for Today
One day at a time. Keep fighting for your recovery.
Today I Pray
Lord, give me the strength to face this day with honesty.
Today I will Remember
Entrust the things you cannot control to a Higher Power.
Pagninilay para sa Araw na ito
Isang araw sa isang pagkakataon. Ipagpatuloy lang ang paglaban para sa pagbabago.
Ngayon ipinagdarasal koβ¦
Panginoon, bigyan mo ako ng lakas na harapin ang araw na ito nang may katapatan.
Ngayon ay tatandaan ko...
Ipagkatiwala ang mga bagay na hindi mo kayang kontrolin sa mas Mataas na Kapangyarihan.
PAMUNAS NA PANLUNAS
Alay sa bawat kapatid na sugatan, nanghihina, at naghahanap ng lakas upang kumawala sa tanikala ng sugal.
Sakit na walang lunas, ang aking dinaranas.
Mga luha ang dulot, sa lungkot ko'y pinanghuhugas.
Walang natira, walang iniwan, pati pag-asa ko'y nilimas.
Anong sakit pa ba ang nararapat, para sa bisyong ito'y makaalpas?
Naging mabagal ang orasan ngayon, dahil sa nakaraan at kahapon.
Panghihinayang sa nawala, mga naubos at itinapon.
Bagyong nakakatakot, kahit maaliwalas ang panahon.
Mangatog ka man sa ulan, wala na sa iyong magpapasilong...
Pa'no nga ba kumawala, sa sugal na tanikala?
Kung pati sarili ko sa salamin, pinadidirihan na akong makita.
Sugal ay isang hagdanan, na dinesenyo lamang pababa.
Pero gagapang ka paahon, dahil pati lakas mo kanyang kinuha.
Alam mo ba 'yung isang bugtong, na walang kasagutan?
Ito 'yung bugtong-hininga ng sugarol, na mula sa kalungkutan.
Isang malalim na paghinga, na puno ng takot at pangamba,
Habang tulala ka sa isang sulok at nawawalan ng pag-asa.
'Wag ka mag-imbento ng gamot para ikaw gumaling,
Mas tuklasin mo ang rason kung saan ito nanggagaling.
Dahil mas kumakati ang sugat kapag malapit na itong gumaling,
Tiisin mong 'wag kamutin, baka manariwa't duguin.
Lahat ay may hangganan, at may katapusan.
'Wag mo pasanin mag-isa, para hindi ka mabigatan.
Alam kong mahirap at masukal ang iyong pinagdaanan,
Hayaan mong ituro namin sa'yo kung pa'no magtanggal ng tinik mula sa 'yong talampakan...