Gambling Addiction Philippines: Paano Tumigil sa Sugal at Bumangon
Kung ang sugal, online casino, o scatter ay sumira sa iyong ipon, kapayapaan, at pamilya—hindi mo kailangang lumaban nang mag-isa.
Ang RISE Philippines ay isang libre at kumpidensyal na peer recovery fellowship para sa mga recovering gamblers sa Pilipinas na gustong huminto sa sugal at muling buuin ang kanilang buhay. Mga kapwa dating lulong sa sugal ang sasama sa 'yo.
Pagod ka na ba? May pag-asa pa.
Ang Katotohanan ng Gambling Addiction sa Pilipinas
Umaasang ang isang malaking panalo ay aayos sa lahat ng nawalang pera at utang.
Nangangakong titigil na ngayon, pero pagdating ng sahod ay tumataya na naman.
Pera para sa upa, kuryente, matrikula, o pamilya ang naipambayad sa online scatter o casino.
Nangungutang sa online lending apps (OLA), kaibigan, o kamag-anak para may maipusta.
Nabubuhay sa takot at kahihiyan na malaman ng asawa, magulang, o opisina ang mga talo.
Ilang beses nang sumubok huminto nang mag-isa ngunit laging nagigipit at nagre-relapse.
Kung handa ka nang sabihing:
“Ayoko na sa sugal. Gusto ko nang magbago.”
May komunidad ng mga recovering gamblers sa Pilipinas na handang umalalay sa 'yo.
Naghahanap Ka Ba ng Gamblers Anonymous (GA) sa Pilipinas?
Katulad ng mga tradisyunal na grupo tulad ng Gamblers Anonymous (GA Philippines), ang RISE Philippines ay isang aktibong peer-led recovery support fellowship. Nakatutok kami sa makabagong hamon ng online casino, digital scatter apps, sports betting, at e-bingo sa pamamagitan ng accessible na online circles at face-to-face meetings.
100% Peer-Led ng mga Kapwa Gambler
Pinamumunuan ng mga taong matagal nang bet-free at nakaranas din ng labis na pagkabaon sa sugal. Walang sermon, walang husga—puro suportang totoo.
Kumpidensyal at Anonymous
Walang registration forms, IDs, o pagtatanong ng trabaho. Dumalo gamit ang kahit anong pseudonym o screen name na komportable para sa iyo.
Araw-Araw na Recovery Circles
Sumali tuwing 7:00 AM at 7:00 PM (Manila Time) 365 days a year upang may kasangga ka sa mga oras ng stress, tukso, o cravings.
Hindi mo kailangang hintayin na lalong lumala ang lahat.
Maaaring malaki na ang nawala sa 'yo. Maaaring walang nakakaalam, o alam na ng lahat. Maaaring parating na ang sahod at takot kang maipatalo muli ito. May pag-asa, at posible ang tuluyang paggaling sa sugal.
Maaari kang humingi ng gabay at suporta ngayon din.
Harapin ang mga utang nang may kalmadong isip at maayos na plano.
Ibalik ang maayos at tapat na komunikasyon sa mga mahal mo sa buhay.
Malampasan ang araw ng sahod nang hindi tumataya ng kahit isang piso.
Makatulog nang mahimbing nang hindi iniisip kung paano babawiin ang talo.
Dahan-dahang maibalik ang tiwala sa sarili, peace of mind, at dignidad.
Muling makilala ang sarili mo bago ka pumasok sa bisyo ng sugal.
Mga Kwento ng Pagbangon mula sa Sugal sa Pilipinas
Hindi ka nag-iisa. Pakinggan ang patotoo ng mga kapwa miyembro na dating nawalan ng pag-asa dahil sa sugal ngunit nakatagpo ng kalayaan at bagong simula sa tulong ng fellowship.
Hindi mo kailangang ayusin ang lahat sa isang gabi.
One day, one step at a time.
Sumali sa aming pang-araw-araw na recovery meetings: libre sa bayad, malaya sa paghuhusga, at may buong proteksyon sa iyong anonymity.
Ano ang pinagkaiba ng RISE sa Gamblers Anonymous (GA Philippines)?
Ang RISE Philippines ay isang aktibong peer recovery fellowship na hango sa 12-step principles ng Gamblers Anonymous. Naka-angkop ito sa makabagong online lifestyle ng mga Pilipino: may daily morning at evening Zoom meetings, 24/7 helpline, gabay sa pag-block ng online betting sa GCash/Maya, at bi-weekly face-to-face meetings sa Makati.
Ano ang national gambling helpline sa Pilipinas para sa tulong sa sugal?
Maaari kang tumawag sa aming 24/7 Helpline sa 0912-811-0676 upang direktang makausap ang kapwa recovering gambler nang libre at confidential. Para sa mga medikal na emergency o severe psychological crisis, nariyan din ang NCMH Crisis Hotline sa 1553.
Magkano ang sumali sa RISE Philippines?
100% Libre. Walang registration fee, walang monthly dues, at walang singil kailanman. Kami ay isang self-supporting fellowship.
Paano kung natalo o tumaya ako kanina lang (relapse)?
Welcome ka pa rin. Walang interogasyon at walang paninisi. Hindi mo kailangang maging perpekto bago pumasok sa pinto ng fellowship; ang tanging kailangan lamang ay ang kagustuhan mong huminto sa sugal.
Malaman ba ito ng aking pamilya, bangko, o trabaho?
Hindi kailanman. Mahigpit ang aming anonymity. Maaari kang gumamit ng kahit anong nickname o alias. Hindi kami nagpapasa ng kahit anong ulat o datos sa mga employer, bangko, lending companies, o government agencies.
Daily Recovery Circle
Pumasok nang walang kailangang patunayan sa kahit sino. Bukas sa sinumang nais huminto sa sugal. Malugod na tinatanggap ang mga baguhan.