Ang RISE Philippines ay hindi isang company, business, o rehab center. Kami ay isang community ng mga recovering problem gamblers—mga taong nakaranas din ng matinding paglubog sa utang, pagkasira ng relationships, at pagkawala ng direksyon dahil sa online casino, e-bingo, at iba pang uri ng sugal.
Nagsimula ang fellowship na 'to kasi nakita namin na kulang na kulang ang libre at anonymous na support groups dito sa Pilipinas, lalo na para sa mga taong nahihiyang humingi ng tulong. We know exactly how it feels na mag-isa, natatakot mahusgahan, at hindi alam kung paano makakaahon.
Kaya namin binuo ang RISE—para mag-provide ng isang safe space kung saan ang bawat Pinoy na nalulong sa sugal ay pwedeng bumangon, matuto from each other's experiences, at patunayang may pag-asa pa.
Our Mission
To provide a 100% free, confidential, and easily accessible peer-to-peer recovery fellowship para sa mga Pinoy na lumalaban sa gambling addiction. Wala kaming hinihinging bayad, membership fees, o kahit anong donasyon mula sa mga attendees. Ang tanging requirement lang para makasali ay ang honest na kagustuhang tumigil sa pagsusugal.